My Day

Posted on July 3rd, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged , , , ,

Today is my birthday! Isang taon na naman ang nadagdag sa aking buhay; isang taon ng kasiyahan kasama ng aking pamilya at mga kaibigan, isang taon ng kalungkutan at iyakan, isang taon ng kaguluhan sa aking sarili,isang taon ng kulitan at kwentuhan kasama ang mga mahal sa buhay at isang taon ng paglago sa aking ispiritual na buhay.Hindi man ako isang matalino, maganda, mabait, at sobrang banal na tao, masasabi ko naman marami na akong nakamit sa buhay na hindi kailanman matutumbasan ng materyal na bagay. Sobrang buti talaga ni Lord, kahit nasa loob pa lang ako ng sinapupunan ng aking ina, isang kahon na ng hindi mabilang na regalo ang aking natatanggap sa bawat oras ng aking buhay. Katulad ni Santa Claus, kahit anong haba man ng kanyang listahan, kahit milyon milyong tao pa ang nanghihingi ng regalo sa kanya, sa huli ay magagawa pa rin niyang maibigay ang kanilang minimithi. Ang pagkakaiba nga lang nilang dalawa, material na bagay lang ang maaaring ipagkaloob ni Santa. Kaya “da best” pa rin talaga si Lord, para sa akin, Siya ang Optimus Prime ng buhay ko; ang nagbibigay ng proteksyon sa akin. Ngayon naman, ibabalik ko na ang usapan ukol sa mga bagay o kahit hindi material na na-achieved ko sa loob ng nagdaang mga taon ng aking buhay bilang si Gellie N. Nadua.

Ano-ano nga ba ang mga ito?

üUna sa lahat, kay God na lumikha sa akin, bilang si Gellie at sa mga susunod pa na ipinagkaloob Niya sa akin:

üNais kong magpasalamat sa aking mabuting ina na siyam na buwan akong inalagaan sa loob ng kanyang sinapupunan hanggang sa ako’y lumabas at nasilyan ang kagandahan ng mundong ito.

üSa aking masipag na ama na walang sawa sa pagsuporta sa aking mga pangangailangan maging sa aking talento sa pagkanta.

üLabis din akong nagpapasalamat kina tita Liz at tito Klaus Zillman na hindi ako nakakalimutan kahit milya milya ang layo nanmin sa isa’t isa.

üSa aking “choco honey dipped” ( flavor ng donut sa dunkin donut), na nagbigay kulay sa nakaraang taon ng aking buhay.

üSa king mga kaibigan lalong lalo na sa mga Ganid at maging sa mga VLUMYF na nagsilbing sandigan ko pagdating sa mga problema na tanging kami lang ang nagkakaintidihan.

üPangkalahatan na ang mga material na bagay na aking natatanggap. Mula sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga, sa pagkain ng tatlong beses( dalawa na lang pala.) sa isang araw, lalong lalo na sa talento ko sa pagkanta. atbp.

Alam ko na nabitin ka, sa totoo lang, higit pa dyan o mas marami pa ang dapat kong pasalamatan. Sa sobrang dami ay baka ma-late na ko sa klase ko mamayang alas-otso. (time check: its already 4:52 AM.). maaga pa pala =D

Kanta muna:

“So I say, thank you for the music, the song I’m singing,

Thank you for the joy you’re bringing,

Who can live without it,

I ask you with all honesty,

What would life be?

Without a song and a dance, what are we?

So I say thank you for the music, you gave it to me.”

-by ABBA (banda po)

“Happy birthday, God loves me, it will be my blessed day,

Happy birthday, God loves me, I will walk on His way,

Happy birthday, God loves me, I will live happily.”

-birthday song

Hanggang dito na lamang ako, maraming salamat sa pagbasa ng pahinang ito.

Danke sie. May God bless us all. =D

(while reviewing Republic Act 9163.)

Iba Ka!!

Posted on April 12th, 2009 in Iyaking Mansanas by gellie1  Tagged , ,

Alam mo ba iba na ka sa kanila?

Ang pinagsamahan natin ay hindi matutunaw tulad ng isang kandila.

Hindi ko inaakala na mamahalin mo ang isang tulad ko,

Na isang makulit at maarte na ayaw sa mga pangako.

Sinabayan mo ang aking mga halakhak at bungisngis

At sa aking pagkakalat, ikaw ang siyang nagwawalis.

Ganito lang siguro kapag may kaibigan,

O sadyang nabibilang lamang sa mga daliri ang nagbibigay ng tunay na kasiyahan.

Sa punong ito kung saan tayo lumago tulad ng mga dahon,

Sabay-sabay din tayong nababangga sa mga bato kagaya ng alon.

Malagas man ang mga dahon sa puno’y siguradong may sisisbol pa rin.

At mabangga man ang mga alon sa malalaking bato’y di pa rin mabubuwag ang ating mga hangarin.

Bakit may luha na dapat tumulo?

Dahil ba ito sa iyong mga itinuro?

Ngunit kung para sa iyo ay agad akong luluha,

Kahit na malunod ang mga tao dahil sa ating mundo’y bumaha ng luha.

Kaibigan, salamat ha?

Sa pakikinig sa mga sinasabi ko.

Sana’y walang iwanan,

Huwag kang mag-alala sapagkat imbitado ka sa aking tahanan.

For the Graduates..

Posted on April 12th, 2009 in Iyaking Mansanas by gellie1  Tagged , , , , ,

Four years of struggles? It’s a big NO!! for me, it is a four years of success and achievements which nobody can take it from me. It’s not the impressive achievement, especially the attainment of fame, wealth, or power that every great person possessed. It’s the act or an instance of remembering those memories I’ve shared with my teachers, classmates, schoolmates, and to the very special person who go before me and shields my way from grief. Sa nalalapit na pagtatapos, I feel proud of myself na makakatapos ako ng high school at Siyempre, next level na ang naghihintay sa akin next resume ng klase. COLLEGE LIFE!! another phase of life, but it’s just a continuation ng high school. Mas mahirap nga lang, new challenges and competition between me and destiny. Destiny?? Bakit ko nasabi na destiny..hmm..wala lang, kung ang destiny ko ay magiging failures, I won’t let that “destiny” to destroy my life! Hindi niya ako madidiktahan. I’ll do whatever I want in my life, pero Siyempre..kailangan ko ng tulong Niya. So I’ll challenge Him.

It’s a game, for Chrissakes, and winning is everything. It’s a shame it has to get nasty sometimes. Alam naman natin na hindi pwede na puro good things ang mangyayari at magiging resulta, so im ready for the great challenges! I made a poem for them and I hope na magustuhan nila.

I know there’s no turning back,

But I’ll return for they are my luck.

I promise them that even were apart,

I still here to fix their broken heart.

Thanks for the laughter’s they shared,

Even the sorrows which they made.

From my highest to lowest grades,

They calm me from those fears, so now I’m not afraid.

When I’m down, they lifted me,

For all my weakness, they strengthen me.

The storm came, so they’re my shelter.

I’ll keep our friendship for the better.

They are my chocolates that so sweet,

Just like our hearts that always meet.

Peppers bring spices on my spread,

For they are good for my immune system as anybody said.

Nothing can stop me from believing,

Even God can’t stop me from praying.

Those people who treasures my name,

Without them, my life will be lame.

“Vision” is what, to put it crudely, the Pilipino have and the West mostly hasn’t. I am a Pilipino, at siyempre,I have a great vision that all of us will success. Kaya naman kahit magkakalayo na kami ng mga kaibigan at classmates ko:

GANID,FOURTH TRUTH, APHS CHORALE, AT SA MGA NAGING PART NG HIGH SCHOOL LIFEKO. I’ll never forget you!.

I should keep my little brain attic stocked with all the furniture that Ilikely to use, and the rest I can put away in the lumber room of my library, where I can get it if I wants it. An irish-born British poet said,

In my childhood trees were green
And there were plenty to be seen.
Come back early or never come.

Sinasabi ko na sa iyo, I can’t promise you that I’ll come back early but I assure you that I shall return. Ok ba yuhn? Hahaha.. =]

I will treasure these precious memories till the end.

Plastic?

Posted on March 4th, 2009 in My Other Side by gellie1  Tagged , , , , ,

Love me for what I am and simply being me.

–wala lang. Nasingit ko lang

My Views on Pagiging Plastic

Plastic ka ba? If you think that you’re one of them, friend…NORMAL ka.

At Bakit?Because for me:

1.)Being “plastic” is to be one of the in-crowd, one of the beautiful people, one of the glitterati, trendsetter, person about town, member of café society, and social climber.

2.)It is natural to do when you will consider the feelings of others.

3.)A“down-to-earth” person is cool to be with, but sometimes, being torealistic, sensible, matter-of-fact, pragmatic, and no-nonsense person can possibly hurt the feelings of others. (so magpakaplastic ka na lang.)

See? Did you get my point? Just try to have a little bit “ka-plastikan” with your friends,but always remember ..

“all things that are excessive is BAD.”

Sige na, nosebleed naman ako dun.( hahaha..)