fIRST dAY

Posted on July 2nd, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged ,

Isang malamig na umaga ang gumising sa mahimbing ko na pagkakatulog. Naramdaman ko agad ang nakakapasong sinag ng araw na magmumula sa kaliwang bahagi ng bukas na bintana. Hindi ko man lang namalayan na ito na pala ang unang araw ng aking pagpasok bilang isang “college student”. Nakakapagtaka. Nakakapanibago. Kay bilis ng panahon. Ang dating first year high school ay bumalik muli sa pagiging “first”, ang pagkakaiba nga lang, mas matinding hamon na ang aking haharapin. Ang dating “teacher” ay “Professor” na ngayon. Ang notebook na makapal ang pahina ay “peeler” at binderna ngayon. Ang libro na required gamitin ay pwedengXerox copy na lang. At ang oras? Mas matipid, mas maikli, ngunit mas mahalaga ang bawat segundong gagamitin mo sa pagkakataong ito. Nararapat lang na maging “time conscious” tayo. Time management ang kailangan ko bilang isang estudyante na maraming activities na dapat gawin. Unang-una, ang ministry ko sa aming tahanan bilang isang anak. Pangalawa, ang ministry ko sa “school”, at ang huli, ang commitment ko sa simbahan. Ngunit ano nga ba ang nangyari sa akin sa unang araw ng aking pagiging fresh na college student?

Alas-onse ng tanghali ng ako’y lumisan at nagtungo sa aking paaralan, ang National College of Business and Arts. Wala pang limang minuto ay narating ko na ang nasabing paaralan. Ang bawat hakbang kopatungo sa loob ng campus ay sumasabay sa tibok ng aking dibdib na animo’y hinahabol ng isang race car. Nang makarating ako sa room 45, nakahinga naman ako ng maluwag dahil approachable naman ang aking mga kaklase. Hindi ko inaasahan na sa unang subject pa lamang ay makakasabayan ko ang mga 2nd ant 3rd year college na kaklase ko dahil sa back subject nila. But despite of these case, nakipagsabayan ako sa mga itinuturing ko na mga ate at kuya. Recite lang ng recite, nagtataas ako ng kamay, at wala akong pakialam sa mga katabi ko. Ganito siguro ang nararapat na gawin.Sabi ng isa naming Professor, sa isang paaralan daw, may dalawang uri daw ng estudyante. Dalawang estudyante na magkaiba ang motivation sa pag-aaral. Ang unang estudyante:pumapasok siya sa paaralan upang makapasa lamang. Ang isa naman: pumapasok siya para makakuha ng mataas na marka. Alin ka ba sa dalawa? Ako? Mas gusto ko maging estudyante na katulad nung pangalawa. Tama, dapat nga. Di ba?

Masasabi ko rin na ibang “Gellie” na ang college student na ito. Mas active. Mas makulit. Mas masaya. Natutuwa rin ako sa aking mga kaklase na sa tuwing magtatanong ang prof namin at kapag walang sumagot ay bigla na lang nila isisigaw ang pangalan ko: “ Sir, si Gellie po.. alam po niya ang sagot.”,“ Maam, kaya ni Gellie yun.”, “sir, si Gellie oh.” Pero hindi na ko tinatawag ng guro dahilmadamot daw ako sa grade. Ganun?Pero para sa akin, masarap pakinggan, masarap tumanggap ng tiwala mula sa mga bago kong kaklase. Masarap maging “leader” sa isang grupo na buong-buo nilang ipinagkatiwala sa sayo ang magiging desisyon ng aming grupo. Nakakapagod man mag-abono, nakakahiya man humarap sa karamihan, masaya naman ako. Sabi nga nila, walang nakakapagod na bagay kung mahal natin ito at kung masaya ka sa ginagawa mo. Naalala ko pa yung sinabi ng guro ko:

“Having a business is not only to earn profit, mas maganda is to serve the community ang primary reason mo kung bakit ka magtatayo ng isang business.”

- Mrs. Estebal

Tama siya. At kung irerelate ko ito sa buhay ko, I admit their decision na ako ang leader because I want to serve them.

Ito lang ang masasabi ko. Ito lang ang maibabahagi ko. Sa unang araw ng pasok ko, mas sumaya ang buhay ko.

“ Ang dating bituin na kulang sa ningning ay muling nabigyan ng pagkakataong masilayan at ma-ppreciate ng karamihan.”- Gellie Nadua