”FAITHFUL LOVER”
“Kapag si God na ang kumuha, bumitaw ka na..
kapag Siya na ang nag-utos, sumunod ka na..”
–Professor Bautista
There was a story about “juan”..
Isang gabi, nahulog ang isang bus sa bangin, at isa siya sa mga pasahero nandoon. takot na takot si Juan sa mga pangyayari. Swerte na lamang niya at nakakapit siya sa isang halaman na nakatanim sa gilid ng bangin. wala siyang magawa kundi ang pumikit at manalangin. “Panginoon, ano po ang aking gagawin?..tulungan Niyo po ako..” ang dalangin ni juan. Nagulat na lamang siya nang may marinig siyang boses at ang sabi..”Juan,bumitaw ka..” Takot na takot si Juan at nagtanong, “sino po kayo?” habang nanginginig sa takot. “Ako ito, ang iyong panginoon..Juan,bumitaw ka sa pagkakahawak..”
“bakit po? eh..kapag bumitaw po ako..mahuhulog ako at mamamatay..” ang sagot ng nanginginig na si juan. hindi na niya narinig ang boses ng panginoon. Nakatulog siya habang nakahawak at hindi niya namalayan na umaga na pala. Sa pagsikat ng araw, bigla siyang napaluha. Bakit kaya?
dahil pagtingin niya sa kanyang ibaba, halos isang dangkal na lamang ang layo ng kanyang talampakan sa lupa.
Lesson:
–magtiwala sa Kanya.
–hayaan mong Siya ang magturo ng daan na patutunguhan mo, dahil Siya ang nakakaalam ng paroroonan mo.
–huwag dumepende sa sarili mong kakayahan, matutong makinig sa payo ng iba.

