Para kay Zyrille,galing kay Adrian

Posted on February 27th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged ,
isang mahalagang numero para kay Adrian

isang mahalagang numero para kay Adrian

I may burn out like a candle and
I may pass away
I may fall just like a shooting star
My heart will stay
I’ll be yours until forever,
Forever I’ll be true to the promise
I have made from the day that
I found you
Forever your in my heart
Even if were apart

I say, forever I’ll be yours
Forever I love you
I say, forever I’ll be yours
Forever I’ll be true
My love will never fade away
Even if I’ll die and
I will love you until the end of time
Even without your smile

So hear me please I beg you
Don’t walk away I need you
Just stay with me and be by my side
Take my hand and we’ll work it out

Until, forever I’ll be yours
Forever I love you
I say, forever I’ll be yours
Forever I’ll be true
My love will never fade away
Even if I’ll die and
I will love you until the end of time
Even without your smile

So hear me please I beg you
To stay…

–nagmamagandang loob lang po.. para kay Zyrille yan galing kay Adrian, kung sino man ang makabasa dito, pakisabi na lang sa kanya.
Salamat =]

Donut

Posted on February 27th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged ,

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala?

Sa Principal’s Office,dun kita unang nakasama.

Nagtaka ka sa kakulitan kong taglay,

At medyo nainis ka sa pagiging maingay.

Hindi naglaon ay naging kaibigan kita,

Minsan pa nga ay katext ka hanggang umaga.

Napupuyat sa mahaba nating kwentuhan,

Kahit na ang pinaguusapan ay walang patutunguhan.

Nang pumasok ka sa magulo kong buhay,

Nagsilbing pintor ka at ito’y binigyan mo ng kulay.

Lahat ay nagbago mulang nang dumating ka,

Wala na kong ibang nais kundi ang makasama ka.

Naaalala mo pa ba nung nagtapat ka sakin?

Ang nararamdaman mo para sakin ay iyong inamin.

Halo-halo ang nararamdaman ko sa panahon na yun,

Minahal na din kasi kita,kaya agad ko ding tinugon.

Naalala mo pa ba nung nag-away tayo?

Dahil sa isang guro na nagpayamot sayo.

Pinilit kitang pakalmahin ng mga oras na iyon,

Kinausap kita, ngunit di ka tumutugon.

Sa mga oras na yun, pilit kitang inunawa,

Lhat ay gagawin, di ako magsasawa.

Naaalala mo pa ba nung Cantata?

Sa sobrang pagod ay nasigawan kita.

Sa mga oras na yun ika’y nasaktan ko,

Ngunit ikaw ang humingi ng tawad sa kabila ng mga ginawa ko.

Naaalala mo ba kapag may problema ako?

Ang aking mga pasanin ay iyong inaako.

Sa mga yakap mo nadama ang kapayapaan,

Kaya naman di ko lilimutin ang ating sumpaan.

Naaalala mo ba nung nasa highway tayo?

Sinamahan mo ko makasakay,matagal tayong nakatayo.

Isang pangyayari na di ko makakalimutan,

Ninakawan mo ko ng halik sabay takbo patungo sa kabilang daan.

Naalala ko tuloy nung nasa silid-aklatan tayo,

Magkahawak ang ating mga kamay habang nagbabasa ng libro.

Walang kaalam-alam ang mga taong naroon,

Na nilalanggam na tayo sa mga oras na iyon.

Sa ating pagtatapos, isa lang ang aking dalangin,

Sa takdang panahon, ika’y magiging ganap na akin.

Tayo’y may sumpaan na di ko lilimutin,

Mahal na mahal kita, di ako magsasawang ito’y sambitin

Tayo’y maghintay lamang at gawin ang nararapat,

Tapusin ang nais ng ating mga magulang,at sa kanila’y maging tapat

Sa ganung paraan, ang lahat ay posibleng maganap.

At sa kabila nito, sana’y ako’y iyong mahanap.

Nandito lang ako at naghihintay sayong pagbabalik

Habang inaalala ang iyong mga halik

Sa panahong yun, ang Diyos na lang ang tulay

Sa oras na bumalik ka, makakasama na kita habang buhay.

Ang Buhay ng Isang Prinsesa

Posted on February 27th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged , , , , , , , ,

Nakatira ako sa isang palasyo kung saan maraming kawal ang nagmamasid sa paligid. Binabantayan nila ang bawat kilos ko. At kahit hanggang sa pinakamaliit na detalye ng aking mga hakbang, ito ay kanilang pinapansin. Malaki ang lugar na iyon, napakalawak. Ngunit para sakin, isang masikip at makipot na tirahan. Isang tirahan kung saan sinasakal ng may malulupit na kamay ang puso ko na nais makawala. Makawala sa kanila, makawala sa pagkakahawak nila. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga katagang sinabi niya:

“Para sa ikabubuti mo rin ang mga ginagawa nila, sumabay ka na lang sa agos..balang-araw, sasaya ka rin at lalaya.”

Marahil nga ay tama siya. Ngunit hindi ko mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata. Ang mga luhang idinulot ng mga sugat na ipinaramdam nila. At hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa at patuloy na nagbibigay pasakit sa aking kalooban. Ang mga sugat na mula sa pagkakakapit nila. Mahigpit na kapit na pilit akong pinapatay sa hapdi. Isang katanungan na lang ang aking nasabi:

“Kailan kaya magwawakas ang pagiging prinsesa ko?.”

Isang prinsesa na nakakulong sa isang silid na puno ng mga bantay. At halos katumbas ng rehas ang makapal na dingding na pumapagitan sa akin at sa mundo ng kalayaan .

Ano nga ba ang Mundo ng Kalayaan para sa akin?

Sa mundong ito, makikita mo ang mga kabataan na masayang nag-aaral sa kinuha nilang kurso. Masayang naglalakbay patungo sa kani-kanilang paaralan. Maligayang namumuhay kasama ang mga kaibigan. Mga kaibigan na pagkagising mo pa lang sa umaga ay mga mukha agad nila ang bubungad. Kasama mo sa pag-aaral kahit abutin pa kayo ng madaling-araw. Ilan lamang iyan sa mga pangarap na nais kong makamit. Ngunit para sa isang prinsesang tulad ko na nakakulong sa isang palasyo na puno ng mga kawal at bantay, malabo na ito mangyari at hindi na kailanman magaganap pa. Nakakalungkot. At kung hindi ko na makayanan pa, baka ikamatay ko na ito.

Ang panahon ay lumipas, ang mga sugat ay sariwa pa rin. At hindi na yata ito magagamot at malulunasan, dahil nasa loob ang sakit at hapdi na pumapatay sa akin. Pero naisip ko, kung magpapakamatay ako, doble lang ang sakit na mararamdaman ko. Kaya hihintayin ko na lang ang panahon na mamatay ako ng hindi nagkasala sa Kanya.

Naisip ko na kung pwede ako tumakas sa palasyong ito. Lumayo at tumakbo palayo sa kanila, mamuhay mag-isa, at habangbuhay na sumaya sa piling ng aking prinsipe.

“Nasaan na kaya siya?..”

Para sa kanya, titiisin ko ang lahat. Hihintayin ko ang pagdating niya. At sa pagkakataong iyon, nakamit ko na ang kalayaan, ang mundo na matagal ko nang minimithi. Sa mundong iyon, hindi na kami magkakahiwalay habangbuhay.

Ang Aking Mga Krayola

Posted on February 27th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged , , , , , , ,

 

            Ilang araw na lang ang nalalabi. At halos oras na lang ang bibilangin. Magtatapos na  buhay high school ni Gellie N. Nadua.  Papunta na rin ako sa mapanghamon na buhay sa kolehiyo. Aalis na rin ako sa paaralan na nagbahagi ng karunungan, naghubog sa aking pagkatao at nagbigay ng kahulugan sa aking buhay.

 

Malaki ang nagbago sa aking buhay mula nang pumasok ako sa ANGONO PRIVATE HIGH SCHOOL. Isang paaralan kung saan dito ko natagpuan ang isang kayamanan na madadala ko hanggang sa aking pagtanda, ang edukasyon. Katumbas ng isang mabuting tahanan at kaibigan. Dahil dito ko nakasama ang mga taong nagsilbing mga krayola na nagbigay kulay sa mga blangko na pahina ng aking buhay.

 

            Ang aking mga guro ang nagdala ng kulay “LILA” sa aking buhay. Ang Lila ay sumisimbolo ng paghahari.  Ang mga guro ang naghubog sa akin upang makamit ko ang katagumpayan sa buhay. Ibinahagi nila ang kanilang karunungan upang mas mapalawak pa ang aking mga nalalaman. At dahil sa kanila, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para harapin ang mga nakaambang hamon ng buhay.

 

            Sa aking mga kaibigan?, kulay “DILAW” ang idinulot nila. Ang Dilaw ay nagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan. Katulad ng kulay dilaw, sila ang nagpapasaya sa akin. Ang mga pagpapatawa nila ay higit pa sa ginagawa ng isang payaso. At kahit paulit-ulit na ang mga biruan at kwentuhan, hindi pa rin ako magsasawa. Ilalahad ko pa rin ang aking mga tenga sa pakikinig kahit pa mapuno ng mga dilaw na mais ang paligid.

 

“Ang mga bagay na nakakasawa ay yung mga bagay na walang halaga.”

 

Kulay “ASUL”  ang inilalaan ko para sa aking mga nakagalit. Hindi ako nagsisisi kung nagkaroon ako ng kagalit sa paaralang ito. Kung hindi dahil sa mga taong ito, hindi ko maiisip ang salitang kapayapaan, ang paghingi ng kapatawaran. Maihahantulad sila sa mga asul na ulap nagbibigay ng kapayapaan habang ito’y aking pinagmamasdan sa kalangitan. At kakayanin kong pagmasdan sila ng diretso sa kabila ng matinding sikat ng araw.

 

Dalawang kulay ang ibinigay sa akin ng taong ito na nagpabago sa takbo ng aking pamumuhay. Una, ipinamalas niya sa akin ang kalinisan ng kanyang puso, katulad ng mga “LUNTIAN” na halaman nagdudulot ng kagandahan sa aking paligid.  At ang mga kulay “PULA”  na rosas na mas lalong nagpaakit sa akin. Sa kanya ko naramdaman ang pag-ibig na hindi ko inaasahang darating. Masaya, masarap, at nagbibigay ng kalakasan sa akin ang pagmamahal niya.

 

“Di bale nang matinik sa mga rosas, kung ikaw naman ang magbibigay..siguradong hindi ko na ito mabibitawan.”

 

Huli ko man Siya banggitin, alam ko naman na mauunawaan Niya ako. Ang Panginoon ang kulay “PUTI” para sakin. Puro at pino ang pagmamahal Niya, at walang katumbas ang mga sakripisyo na ginawa Niya. Sa sobrang puti ng kanyang kalooban, halos masilaw ako sa kahihiyan na sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko ay agad Niya akong pinapatawad. Kaya naman labis akong nagpapasalamat sa paglalang Niya sa akin. Sa pagkakataon na ibinigay Niya sakin upang makapag-aral sa paaralang ito. Upang makasama ang mga taong nagbigay kulay sa aking buhay. Pagkakataon na maibahagi ko ang aking sarili sa kanila. At salamat sa Kanya. Siya ang dahilan ng lahat.

 

“Nung maniwala ako sa Kanya, binigyan Niya ako ng gantimpala..at KAYO yun!”

 

Lila, dilaw, asul, luntian at pula. Ang mga kulay na ito ang pinaka-importante para sa akin. Kahit PUTI ay mahalaga at walang katumbas. Kaya naman labis ko itong pag-iingatan. Maputol man ang aking mga krayola at mapudpod sa sobrang gamit, hinding-hindi pa rin ako bibili ng bago. Maluma man ang mga ito, tulad ng paaralan na aking maiiwan, sigurado naman ako na makakapagbigay pa rin ito ng kulay habangbuhay.

 

 

“First Shooting”

Posted on February 26th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged , , , , , , ,

 

SETTING: Carlo Rey’s Room

CALL TIME: 2pm (pero 3;30 ako dumating.. =] )

 

SCENE 1:

–Ang cute ni Reven..nyahaha..ang saya dito.

 

Ang cute ni Reven..

Ang cute ni Reven..

 

 

wala lang, im just sharing my happy moments with them. =]

–Carlo

–Nicki

–Adrian

–Reven

–Bryan

–Lou Davin

–Eldrin

–Leklek

–Mikey (bro ni Carlo)

sige, napadaan lang.

 

Saya namin…haha..

 

CHOW =]

Ngayon na ang Simula

Posted on February 25th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1

Ngayon ko na sisimulan ang pagsusulat at pagpapahayag ng aking mga nararamdaman.(naks! may ganon?.)

 

Bakit ko ito naisip?

–Wala lang, sawa na kasi ako manahimik sa mga nangyayari.

–nais kong ilabas ang aking mga itinatago. Mga bagay na matagal ko nang tinatago.

–nais kong sabihin na GALIT ako, kung papalarin..MASAYA ako.

–maraming dahilan, maraming pa. Ito lang muna sa ngayon.

 

fresh apple..yun yun eh..

fresh apple..yun yun eh..

 

 

HANGGANG SA SUSUNOD.

ano ba ang nangyayari sa akin?

Posted on February 25th, 2009 in Ang Buhay ni AppleGreen.. by gellie1  Tagged , , , , , ,

ENGLISH TIME:

–bigla na lang ako nahilo sa gitna ng discussion..

sa mga oras na yun..tutumba na ko..

haay..

share lang..

SA CLINIC:

–may isang guro ang lumapit, at ang sabi:

 ”oh? iha..ano ang nangyari sa iyo? ..

nahihilo ka?.. mag-bonamine ka..”

at sa pagkakataong iyon, at sa kabila ng nararamdaman ko..

napangiti na lang ako.. =]

UWIAN:

–pinilit kong bumangon, pumunta si Carlo sa kinaroroonan ko.

Nakita ko din si Raffy na handang tulungan at akayin ako.

Salamat sa kanila. Salamat sa mga taong nandyan sa oras ng pangangailangan ko.

NGAYON:

–nahihilo pa din ako..

hinding-hindi ko malilimutan ang araw na ito.

magpapacheck-up ako.

yun lang, nais ko lang ibahagi. 

 

salamat. =]

 

ano ba ang nangyayari sa akin?

ano ba ang nangyayari sa akin?